<6:47>

09.Paglaya

 

KID

(representing the oppressed, singing about the death of the Filipino spirit)

Pagod na akong mangarap

Dilat man o nahihimbing

Pagod na akong maging mahirap

O kaydali kong

O kaydali kong

O kaydali kong

O kaydali kong apihin

 

(At this point, mother arrives to see her child lifeless.)

 

INANG BAYAN      

Pilipino ay bumangon

Higpit ng yakap ay damhin

Pangakong bukas darating

Dugong api bubuhayin

 

Di na muling padadaig

Tinig muling maririnig

Tanikalang bumibigkis

Lalagutin ng pag-ibig

 

JUAN                         

Mga rehas na bakal

Mga aninong kay itim

Sa bilangguan kong bato

Ilang taon ang bibilangin

 

RICH PEOPLE

(The blind)

Yamang ninais maangkin

Yamang bumulag sa akin

Ibalik mo ang paningin

Ayoko nang mabuhay sa dilim

 

FEMALE CELEBRITY                   

Ang araw ng paglaya mo

Ibinulong ng Maykapal

Ika’y babangon at aahon

Sa malubhang kahirapan

 

Sa tunay na tahanan mo

Sa langit na asam

Samasama tayong aangat

Sa paglaya mong ganap

 

THE WORKERS      

Bangon na, O Pilipino

Di na muling maaapi

Di mananakaw ang yaman mo

Pagkat ito’y di salapi

 

FEMALE CELEBRITY                  

Ang yaman mo’y hindi ginto

Ito’y hindi maglalaho

Dangal na siyang nag-aalab

Sa Pinoy mong puso

 

THE WORKERS      

Bangon na, O Pilipino

Di na muling maaapi

Di mananakaw ang yaman mo

Pagkat ito’y di salapi

 

JUAN                         

Ang araw ng paglaya ko’y

Ibinulong ng Maykapal

Ako’y babangon at aahon

Sa malubhang kahirapan

 

Sa tunay na tahanan ko

Sa langit na asam

Samasama tayong aangat

Sa paglaya kong ganap

 

FEMALE CELEBRITY                 

Ang bayan kong Pilipinas

 

JUAN                         

Narito ka, tumatangis

 

FEMALE CELEBRITY                    

Ako’y isang Pinoy sa puso’t diwa

 

JUAN                         

Ibon mang may layang lumipad

 

THE MASSES           

Madilim ang iyong paligid

 

KID                            

(Resurrected)

Bayan kong kinagisnan

Bayang pinagsamantalahan

Bayan ng matatapang

Bayang sa Diyos ay mahal

 

THE PEOPLE          

Ang bituin at araw niya

 

KID                            

Dito ako mabubuhay

Dito na rin mamamatay

 

FEMALE CELEBRITY                   

Ligaya mo, ligaya ko

 

THE PEOPLE          

Aming ligaya na pag may mang-aapi

 

FEMALE CELEBRITY                    

Pilipino ay bumangon

Init ng yakap ay damhin

Pangakong bukas darating

Dugong api’y gigisingin

 

Di na muling padadaig

Tinig muling maririnig

Tanikalang bumibigkis

Lalagutin ng pag-ibig

 

CHORUS                  

Ang araw ng paglaya mo’y

Ibinulong ng Maykapal

Tayo’y babangon at aahon

Sa malubhang kahirapan

 

Sa tunay na tahanan mo

Sa langit na asam

Samasama tayong aangat

Sa paglaya mong, sa paglaya mong

Sa paglaya mong ganap