<3:13>

08.Homecoming

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

(The mother in the faraway land is totally unaware.  She is now packing her bags, ready to return.)

 

MOTHER                 

Salamat sa di pagkait

Ng mga malayang pangarap

Nalampasan ko ang gabi’t

Narating ang liwanag

 

Maaari na nating isiping

Ilang bukas na lang

Lahat ng ito ay magiging

Bahagi na ng, bahagi na lang

Bahagi ng ng, bahagi na lang

Ng nakaraan

 

Sa iyong mga bisig ako’y

Handa nang magbalik

Uli sasabihin sa iyo

Para sa iyo, para sa iyo

Para sa iyo, para sa iyo

Ang buhay ko ang ipapalit

 

CROWD                   

Naririnig mo ba ang ungol?

Nararamdaman mo ba ang lindol?

Milyun-milyong sikmurang nangangalam

Panginginig ng buong katawan

 

Luha ng milyun-milyong mata

Pawis ng mga maralita

Umaapaw at nagbabaha

Saan ka ba, saan ka ba

Saan ka ba, saan ka ba

Saan ka ba, saan ka ba dinadala