<4:50>

07.People's March

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

(Now we see the whole nation of poor masses marching.)

 

MASSES               

Naririnig mo ba ang ungol?

Nararamdaman mo ba ang lindol?

Milyun-milyong sikmurang nangangalam

Panginginig ng mga katawan

 

Luha ng milyun-milyong mata

Pawis ng mga maralita

Umaapaw at nagbabaha

Saan ka ba dinadala?

 

Kami ang malakas na alon

Kami ang ihip ng panahon

Kami ang karamihan

Kami ang bayan

                  

Sa bayang sinisiil

Araw na ng paniningil

Milyun-milyong mga tinig

Iisa ang sigaw, iisa ang himig

 

Naririnig mo ba ang ungol?

Nararamdaman mo ba ang lindol?

Panahon na, panahon na ng pagbawi

Sa landas naming pinipili

 

Kami mangmang daw sa pag-iisip

May lakas ng sama-samang bisig

Walang bakod na di maaakyat

Walang pader na di mabubuwag

 

Kami ang may-ari

Kami ang may gawa

Gusali, industriya

Pati batas ng bansa

Kami ang may-akda

 

JUAN                    

Ang hinihingi nila ay di kalabisan

Pangarap nila’y di labis na kayamanan

Di sila mapatatahimik ng suhol at busal

Minimithi lang ay kaunting dangal

 

CROWD                 

Di na maitatanggi

Di na maikukubli

Nakatakdang maghari

Ang mas nakararami

 

JUAN                    

Sila ang pag-asang walang kamatayan

Dahil manhid na sa mga kabiguan

Sa kanila ka makipagsanlakas

Sila ang maghahatid sa inyo ng bukas

 

CROWD                 

Kami ang malakas na alon

Kami ang ihip ng panahon

Kami ang karamihan

Kami ang bayan!

 

(A commotion happens.  It’s like a revolution.)

 

CROWD                 

Sa bayang sinisiil

Oras na ng paniningil

Milyun-milyong mga tinig

Iisa ang sigaw, iisa ang himig

 

Naririnig mo ba ang ungol?

Nararamdaman mo ba ang lindol?

Walang bakod na di maaakyat

Walang pader na di mabubuwag

 

SOLDIERS             

Kami ang asahan

Kami ang matatapang

Walang ibang hanapbuhay

Kami’y napipilitan

Kami'y napipilitan

Kami'y napipilitan

Napipilitan, napipilitan lang

 

(In the riot, the boy will end up dead.)