|
<6:00> 06.Bangon Bayan
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
(The city wakes up. Office workers fall in line for a ride. Construction workers, factories, etc. come alive. Machines, bus horns, cigarette vendors “takatak”, industrial sounds play musical accents.)
CROWD Bangon Bayan! Bangon Bayan! Bangon Bayan! Bangon Bayan! Bangon Bayan! Bangon Bayan! Bangon Bayan! Bangon Bayan!
WORKER 1 Tigilan na ang pagpapangarap Oras na muli ng katotohanan Bisig, isip, dugo, katawan Puso’t laman atin nang paikutin Pakilusin
CROWD Bangon Bayan! Bangon Bayan! Bangon Bayan! Bangon Bayan!
WORKER 2 Mga makinarya nitong bayan Tayo na, tayo nang paglingkuran Tayo na, tayo nang pagsilbihan Pagsilbihan natin ang kayamanan Ng mayayaman
CROWD Sakay na sa jeepney Bus, tren, tamaraw Mahal ang krudo Dapat magsiksikan Huwag kang atrasado Bayad ang bawat minuto
WORKER 3 Ibuhos ang semento Higpitan ang turnilyo Paandarin ang pabrika
WORKER 4 Sindihan ang planta Likhain ang kayamanan Ng mga mayayaman
CROWD Bawal magkasakit Bawal umangal Nagtatanggalan ngayon Mahal ang dolyar
Sa panahon ng krisis Tayo na lang ang magtiis Kailangan ang puhunan Magmalasakit sa mayayaman
Bangon Bayan! Bangon Bayan! Bangon Bayan! Bangon Bayan!
EL SHADDAI Ilang pagsubok pa ba Ang dapat na pagdaanan Ilang dasal pa ba Ang ibig mong pakinggan Ilang aral pa ba Ilang ulit pa ba Bago ang lahat ng Ito ay mayron nang (Aaaleluuuya! Aaamen!) Patutunghan
SOLDIERS Mabangis sa kanayunan Takot ang dayuhan Ibalik ang dolyar Mag-alay ng buhay Kailangang may mamuno Iligtas ang pamahalaan
Kami ang asahan Kami ang matatapang Walang ibang hanapbuhay Kami’y napipilitan lang!
CROWD Bangon Bayan! Bangon Bayan!
JUAN Di na raw mahalagang Wala tayong patutunghan Sapat nang sa umaga’y May muling sisimulan Hanggang sa susunod na angkan Ay paikut-ikut-ikot lang
CROWD Bawal magkasakit Bawal umangal Nagtatanggalan ngayon Mahal ang dolyar
Sa panahon ng krisis Tayo na lang ang magtiis Kailangan ang puhunan Magmalasakit sa mayayaman
GAY 1 Kami ma’y nagtatanong Mga nakatago sa kahon Hanggang kailan Hanggang kailan Patutunayan Pantay na kakayahan
GAY 2 Mangyaring tingnan Ang aming kalagayan Pagod sa kahihiyan Pagod sa kahihiyan Puso’y tumitili Sa hapis na di mapawi
EL SHADDAI Ilang aral pa ba? Ilang ulit pa ba? Bago ang lahat ng Ito ay mayron nang (Aaaleluuuya! Aaamen!) Patutunghan
CROWD Tigilan na ang pagpapangarap Oras na muli ng katotohanan Bisig, isip, dugo, katawan Puso’t laman atin nang paikutin, pakilusin
Bangon Bayan! Bangon Bayan! Bangon Bayan! Bangon Bayan! Bangon Bayan! Bangon Bayan! Bangon Bayan! Bangon Bayan! |