|
<6:36> 05.Trinity TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
BOY Sa iyong mga bisig Unang nakilala ang daigdig May lambing, may paglingap Punong-puno ng pag-ibig
Sa iyong mga mata Unang nakilala ang mundo May ningning, may liwanag Punong-puno ng pangako
Pinagmamasdan mo pa noon Mga una kong yapak Ba’t nag-iisa ako ngayon Sa mundong lumalakad
(Light on another part of the stage to show mom as babysitter in a faraway land.)
MOTHER Tumatawid sa kalangitan Mga alaala ng nakaraan Nagsasabi sa ating May bukas pa tayong tagpuan
Sa iyong mga bisig Unang nadama ang pag-ibig Batid kong para sa iyo Gagawin kahit ano Kahit na buhay ko Ang kapalit
Wala kang kasalanan Karapatan mong mabuhay Ba’t ka naparusahang Ako sa iyo ang magsilang
Mahihingi ko pa kayang Huwag mo akong sumbatan Sa aking kamalia’t Mga pagkukulang
Pati sa pagmamahal kong Ikaw ang may karapatan Sanggol na banyaga Ang nakakaagaw
Kung ang malayo sa iyo Ang aking kaparusahan Paulit-ulit kong tatanggapin Mapapatawad mo lang
JUAN Maari ka nga namang umasang Gusto ka pa niyang pakinggan Ngunit maari pa nga bang lunasan Ang kalyo ng nakaraan?
BOY Ang mundo na dati Sa aki’y kaakit-akit Ngayon ay kasinlamig Ng kayakap kong sahig
Nakatira sa lansangan Walang ibang mapuntahan Gustuhin ko mang lumuha’y Wala namang maiiyakan
MOTHER Marinig ko man lahat Ng iyong paghihikbi Di kita mapaliligaya Kahit na sandali
Araw at gabi mang Yakap-yakap kita Walang pagbabago Itong maibubunga
Sana maunawaan mong Sa sandaling pagkawalay Habambuhay kong pagmamahal Duon lang maibibigay
DUET Habang may kalayaan pa May puwang ang pagpapangarap Habang ang lahat ng gabi’y May kasunod na liwanag
Maari na nating isiping Ilang bukas na lang Lahat ng ito ay magiging Bahagi na ng Bhagi na lang ng nakaraan
JUAN Nauunawaan ko Pagsisisi ng magulang Nauunawaan ko Ang hapdi ng masumbatan
Nakikita ko ang dusang Hingi ay kapatawaran Nakikita ko ang luha Na hinihingi’y awa
Ngunit di ka pa rin Makatakas sa pananagutan Sa kamay nyo pa rin Ang tadhana ng kabataan
(Looks up to heaven.)
TRIO Habang may kalayaan pa May puwang ang pagpapangarap Habang ang lahat ng gabi’y May kasunod na liwanag
Maari na nating isiping Ilang bukas na lang Lahat ng ito ay magiging Bahagi na ng, bahagi na lang Bahagi na ng nakaraan
BOY Sa iyong mga bisig Unang nakilala ang daigdig May lambing, may paglingap Punong-puno ng pag-ibig
MOTHER Sa iyong mga bisig Unang nadama ang pag-ibig Batid kong para sa iyo Gagawin kahit ano Kahit na buhay ko ang kapalit |