<3:18>

04.Opening Prayer

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

VOICE OVER

Tumayo po tayong lahat para sa panalangin ng bayan.

 

CHILDREN           

Anak mo raw ang lahat ng nilalang

Kilala mo kami sa pangalan

Sa milyung tao mong pinakikinggan

Kami ba ang kinaliligtaan?

 

Ito ba ang landas mong tinuturo

Mahabang daan ng pagkabigo

Magpakumbaba katulad mo sa lupa

Mabuhay ng, mabuhay ng

Mabuhay ng, mabuhay ng

Isang dukha

 

JUAN                    

Ngayon pa lang namumulat

Pagsubok na ang agahan

Sa punla ng pangarap

Sila ang lupang mayaman

 

Ngunit kung di inspirasyon

Ang kanilang matutunan

Baka isiping bawat pangako’y

Binhi ng, binhi lang, binhi ng

Binhi lang ng kasinungalingan

 

CHORUS                

Pinagpala ang mga dukha

Ang mga tahimik at matiyaga

Ang kaharian ng Maylikha

Ay nakalaan, ay nakalaan

Sa kanila

 

Kung ang puso mo ay nasaan

Nanduruon, nanduruon

Nanduruon ang iyong kayamanan