<4:33>

Yan ang Aming Barangay

 

Marami po nagrerequest ng isa pang version ng Ginebra song lalo na't nanalo ang Ginebra Gin Kings sa 2007 All-Filipino Conference. Also on the occasion of the Ginebra San Miguel Corporation Sales Convention in March 2007, we were asked by GSMC to make an edition for the event. Eto na po. Hope you enjoy it! xx

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

Sa aming barangay tuloy po kayo

Barangay ng mga astig na tao

Lahat ng hamon ay haharapin

Pagkakataon di palalagpasin

Kahit na minsa’y mukhang mahirap

Ang tagumpay nakukuha sa sikap

Tulad ng pusong pinakita sa atin

Ng mga championg Ginebra Gin Kings

 

Mabuhay si Billy, si Rafi at Mike

Mabuhay si Sunday, si Johnny at Mark

Kay Egay, kay Paolo at Gec, isang bagsak!

Kay Rodney, kay Eric at Mark the Spark

Isang masigabong palakpapakan

Kay Tubid, kay Hatfield at kay Helterbrand

At kina Jong Uichico at Samboy Lim

Dela Cruz, Sauler, Tanquincen

 

Yan ang aming barangay

Barangay Never Say Die

Kailanma’y di pahuhuli nang buhay

Yan ang ating barangay

Buong puso’y ibibigay

Isusulong natin nang sabay-sabay

 

Sa aming barangay malulula kayo

Mga kapitbahay, bigtime na tao

Mga kaibigan at katrabaho

James Yap lang naman at Rico Blanco

Sayang kagimik ni Efren Reyes

Sarap makihalo kay Anne Curtis

At ang palaging pinapanaginipang

Si Angelica Panganiban

 

Gawang barangay maipagmamalaki

Sa ngalan, sa quality at sa dami

Solid na solid ang sangkatutak

Na magkapatid at magkamag-anak

Mga Bilog at Kwatro Kantos

Mga Frasquitos at mga Angelitos

At ang magkadugo’t magkaapelyido

Gran Matador Brandy at GSM Blue

 

Yan ang aming barangay..

 

At siyempre pa, sa aming barangay

Ay nakatira ang mahal sa buhay

Ang inspirasyon sa paghahangad

Na ang korporasyon ay lalong umunlad

Dahil walang di makakaya

Sa punyagi, sa sipag at kusa

At imahinasyong umaalagwa

Sa bilog na mundong Barangay Ginebra

 

Sa mga barangay, lunsod at prubinsya

Buong bansa’y magkakakilala

Iwawagayway ang ating bandila

Tapangan mo Barangay Ginebra