<4:15>
Pitumpu't Limang Taon
Demo version
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK & SAVE TARGET
Kayrami nang eksena
Na aking pinasukan
Kayrami nang papel
Malimit pag-uwi ko
Minsa’y nalilito
Sino ba ako?
Kayrami nang pangalang
Aking isinabuhay
Si Mang Kevin at si John
Captain Barbel, Falayfay
Sa comedy o drama
At trahedyang true-to-life
Si Golay, si Markova
At si Dolphy iisa
At sa pinilakang tabing
Naging pilak ang mundo
Bente singko'y nagningning
Nadoble at naging ginto
Kahit paano, sa ngayon
Ang abang munting abo
Nakapitumpu't limang taong
Brilyanteng totoo
Akala ng marami
Kayrami kong babae
Kung akala nyo rin yun
Mas marami pa roon!
Sa dami ng pelikulang
Ako’y naging bida
Sandamukal na asawa,
Anak, nanay, lola
At sa pinilakang tabing..
Tulad din ng karamihan
Isang mahirap na mayaman
Espesyal na karaniwan
At sa pinilakang tabing..