<4:34>

Nang Maging Chamion ang Ginebra

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK & SAVE TARGET

 

Gumaganda na ang bawat laro

Di na sila naghihingalo

Sa bawat bolang binibitaw

Gumaganda rin ang aking sigaw

Kahit hindi relihiyoso

Natutuwa ako sa mga santo

O San Miguel, Santa Lucia

Mobiline, Shell, Purefoods, Pop Cola

 

Nang ang conference ay nag-umpisa

Nag-umpisa ang ratsada nila

At gaya rin ng kutya ng iba

Sila'y magaling lang hanggang umpisa

Ngunit walang kasawa-sawa

Ang barangay na laging kinakawawa

Sanay na sanay na sa kaaasa

Manalo't matalo ay Ginebra

 

Pagbigyan nyo na ako

Paminsan-minsan lang ito

Gumaang ang nabibigatang puso

Pagbigyan nyo na ako

Kahit na kahit paano

Sumaya ng bahagya itong mundo

 

Kahit papaano'y nakarating din

Sa playoffs for finals ang Gordon's Gin

Halos masiraan ako ng bait

Sa double-overtime na sudden-death

Ang napakahirap ay napakasimple

Ang imposible ay naging posible

At natameme ang mga nagsasabi
Na dapat mag-retire na si Jaworski

 

At ang Championship ay sinimulan

Unang laro, kami ang lamang

Ngunit sa 2nd game ay napasama

Ang import ng Gordon's iika-ika

Ang labanan ay biglang nagbago

Reinforced vs. All-Filipino

At ang peligro ay naging milagro

Nakatatlong sunud-sunod na panalo

 

Pagbigyan nyo na kami

Mula Jolo hanggang Aparri

Ang mga hiyawang nakakabingi

Pagbigyan nyo na kami

Anim na taon na rin kasi

Sumaya man lang kahit isang gabi

 

Muntik-muntikan pang na-unsyami

Ng dalawang talong nakakarindi

Ngunit sa score ng huling labanan

Ang basketbol 3 quarters na lang

At ang mga di makapaniwala

Ang sabi ay swerte, tsamba at awa

Di maabot ng kanilang pang-unawa

Parang kami nuong kami ang kawawa

 

At ang inuman ay hanggang umaga

At ang pulutan ay si Lastimosa

At nagkandasaid ang aming mga pitaka

Nang maging champion ang Ginebra