<3:56>
Lakbayin ang Pilipinas
Sung by Bayang Barrios and Noel Cabangon
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK & SAVE TARGET
Lumingon ka kaibigan, makinig ka kapatid
Himig sa iyong paligid kaysarap sa pandinig
Ito ay di nanggagaling sa ibayong lupain
At sadyang kaylapit-lapit, sa dibdib pumipintig
Kayganda ng Pilipinas, kaysarap lakbayin
Lakbayin ang Pilipinas at sarili'y tuklasin
Huwag maging dayuhan sa iyong sariling bayan
Lakbayin ang Pilipinas at sarili'y tuklasin
Pagmasdan mo kaibigan, bawat kulay at ugali
Bawat lunan, bawat bayan may tanging ganda't ngiti
Lumingon ka kaibigan sa iyong pinanggalingan
At ika'y makararating sa iyong paroroonan
Kayganda ng Pilipinas..
Interlude
Namnamin mo kaibigan, lasapin mo kapatid
Bawat lunan, bawat bayan, alaalang kaytamis
Sa hilaga at silangan, sa timog at kanluran
May pistang nag-aanyaya na ating pagsaluhan
Kayganda ng Pilipinas..