<4:33>

Ginebrang Ginebra

Sung by Bayang Barrios

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK & SAVE TARGET

 

Sinusundan ko ang bawat laro

Ng koponan kong lumalago

Sinusundan ko ang bawat galaw

Hanggang sa Visayas at Mindanao

Tulad din ng swerte ng tao

Ang aking team na pabagubago

Gordon's at Gilbey's, St. George at Tondeņa

Ngayo'y Ginebra na uli ang Ginebra

 

Maraming taon na ang nagdaan

Players at coaches na naglipatan

Marami ng ligang tinatayo

At senador na nga pala si Jawo

Ganyan ang buhay sa ating bayan

Ang basketbol at tulad din ng halalan

Pag nananalo ay mapayapa

Pag natatalo ay nadadaya

 

Pagbigyan nyo na ako

Paminsan-minsan lang ito

Gumaang ang nabibigatang puso

Pagbigyan nyo na ako

Kahit na kahit paano

Sumaya ng bahagya itong mundo

 

Sinusundan ko ang bawat taon

Mula ng ako'y musmos pa noon

Nakatanim na sa aking dibdib

Mga alaalang nakakaantig

Ang walk-out sa ULTRA ng Aņejo

Ang winning shot ni Rudy Distrito

At ang sayang hinding-hindi ko malimot

Sa tuwing maglalaro na si Ed Ducut

 

Kahit saang sulok ng ating bansa

Mga tagahanga ay dumadagsa

Dukha't marangya, bata't matanda

Babae't lalake, tomboy at bakla

Ngunit kagaya ng sineng madrama

Kung mayrong bida ay may kontrabida

May mangilan-ngilan ding kumokontra

At ayaw na ayaw sa Ginebra

 

Pagbigyan nyo na sila

At pagpasensyahan nyo na

Tulad din nating malayang magpasya

Pagbigyan nyo na sila

Nahihiya lang ang iba

Ngunit sa loob Ginebra rin pala

 

Sa bawat gabing kami'y magwagi

At abot-tenga ang aking ngiti

Bawat balita'y pinakikinggan

Lahat ng dyaryo inaabangan

 

O kayganda ng aking umaga

Feeling ko ako'y dalagang-dalaga

At si Bal David ay wala pang asawa

Tuwing nananalo ang Ginebra

 

Sa barangay ng magkakabarkada

Buong bansa'y magkakakilala

Dumadagundong ang sigaw ng masa

Hanggang ngayon ay Ginebrang Ginebra