<3:44>

Boto ng Pagbabago

 

Hanggang kailan itong mahabang kasaysayan

Ng mga eleksyong natapon at nasayang

Ang kahirapan ay kaya kong baguhin

Kasaganahan ay kayang abutin

 

Hinihiling ko lang sa iyo

Sa pagkakataong ito

Bigyang daan ang totohanang pagbabago

O bayan kong minamahal

Dinggin ang tangi kong dasal

Kinabukasan ko't dangal sana ang mahalal

 

Isang umaga sa maayos na tahanan

Ang masarap na almusal magigisnan

At masiglang maglalaro at mag-aaral

Sa mapayapa at masayang lugar

At ang mahirap kong mundo sana'y magbago

Sa inyong pagboto, isipin nyo ako

Isipin nyo ako, isipin nyo ako, isipin nyo ako

 

Repeat twice

Hinihiling ko lang sa iyo..