<2:56>
Boksingerong Pilipino
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK & SAVE TARGET
Isang lumang pares ng glab
At butas na punching bag
Dito lang nagsimulang puso'y magliyab
At gaya ng agilang matayog ang lipad
Balang araw ang pangarap ko'y matutupad
Kahit na nung umpisa, ang sabi ni Ina
Hay naku anak, baka mapahamak ka
Disiplina at tiyaga sa loob at labas ng ring
Para sa bansa ay karangalan ang maging
Boksingerong Pilipino
At sa inyong mga dasal
Tiwala at pagmamahal
Itong aking pagpapagal di masasayang
At ang wari'y suntok sa buwan
Di na malayong makamtan
Lalo pa't nasa likuran ko na ang bayan
Pagkat di tayo hihinto
Hangga't makuha ang ginto
Taas noo, taas ang kamao
Boksingerong Pilipino
Sa mga mahal sa buhay
Kababaya't kamag-anak
Aking iaalay ang lahat ng pagsisikap
Sa ating lahat, sa ating lahat
Twice
Pagkat di tayo hihinto
Hangga't makuha ang ginto
Eto na 'to, 'taga nyo sa bato
Heto ako, ang loob ay buo
Taas noo, taas ang kamao
Boksingerong Pilipino