<4:34>
Barangay Ginebra
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK & SAVE TARGET
Sa aming barangay, tuloy po kayo
Barangay ng mararangal na tao
Kami'y masikap, kami'y matiyaga
Trabahong mahirap balewala
Nariyan si Benjie'ng galing ng Saudi
Ang taxi driver na poging si Willy
At masisipag na mga estudyante
Mangingisda, magsasaka, trabahante
Aming barangay barangay ng madla
Ilokano, Tagalog at Bisaya
Gaya ni Totoy at ni Mang Marcing
Umiinom, hindi naglalasing
Ang barangay ay umaasenso
Gamit ang bisig, isip at talino
Bawat munting tagumpay at ligaya
Laging kasama ang Ginebra
Pagbigyan n'yo na kami
Paminsanminsan lang ito
Gumaang ang nabibigatang puso
Pagbigyan n'yo na kami
Kahit na kahit paano
Sumaya ng bahagya itong mundo
Sa aming barangay makikita ninyo'y
Mga bagaybagay na Pinoy na Pinoy
May sarisari store na may sing-along
At tricycle na apat ang gulong
Buhay ang diwa ng bayanihan
Kasya ang siyam sa jeepney'ng pituhan
At ang isang platitong pulutan
Tumatagal hanggang magdamagan
Sa aming barangay tuloy po kayo
Barangay ng mga sikat na tao
Si Osang, si Joey at si Noli Locsin
Si Joe Taruc, Mel & Jay at Martin
O kayganda ng pakikisama
Walang iwanan sa hirap at ginhawa
Bawat munting tagumpay at ligaya
Nagsasaya ang Barangay Ginebra
Pagbigyan n'yo na kami
Sa konting perang pambili
Kahit paano'y mairaos ang gabi
Pagbigyan n'yo na kami
Kahit sa tabitabi
Simpleng buhay ay maipagmamalaki
Ang barangay barangay na noong
Panahon ng Kastila, Amerkano't Hapon
Subok sa pakikipagsapalaran
Mahigit isang daang taong samahan
Sa lababan at pakikibaka
Walang iwanan sa hirap at ginhawa
Bawat munting tagumpay at ligaya
Nagsasaya ang Barangay Ginebra
Sa barangay ng magkakabarkada
Buong bansa'y magkakakilala
Laging buhay ang ating pag-asa
Tagarito ka sa Barangay Ginebra