<2:52>
Walang Laman
Demo for 2005 Ad Congress
See 'Mga Bida' (Salamin Material for a Short Musical)
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK & SAVE TARGET
Ano'ng saysay ng magsikap
Ano'ng silbi ng magtiyaga
Upang humaba pa ang paghihirap?
Para mas lalo pang lumala?
Ang tao ay kasangkapan
Kalasin, buuhin, ilako
Hangga't may pagkakakitaan
Hangga't matuyo ang dugo
Ang katawang ito'y walang laman
Kinatay ng karit ni Kamatayan
Wala ng bato, bituka't apdo
Ang buhay na ito'y walang laman
Tayo raw ay manalangin
Manalig sa Maykapal
Sa ngalan ng ikapu at abuloy
Sa kupal na mangangaral
Tayo raw ay sumunod sa batas
Sa Konstitusyon at eleksyon
Upang paulit-ulit na mahalal
Mandarayang mga pusakal
Ang bayan na ito'y walang laman
Nilimas, ginahis, pinagsamantalahan
Ng punong sukaban at buwitreng dayuhan
Ang bansa na ito'y walang laman
Anong pinagsasabi n'yong dagat at bundok
Anong simoy at langit na bughaw
Anong dilag ng tula at awit
Anong paglayang minamahal
Ha?!
Ang kulturang ito, ang pulitikang ito
Ang sistemang ito'y walang laman
Ang TV at radyo at dyaryong bayaran
Ang katawang ito
Ang buhay na ito
Ang bayan na ito'y
Walang laman
Walang laman
Walang laman