<3:37>
Sana'y Di Ka Masanay
Sung by Noel Cabangon
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK & SAVE TARGET
Minsan ako'y sa isang lunsod napadako
Salat sa tubig, ilaw at trabaho
Ngunit sagana sa usok at basura
Mga naninirahan sa banketa
Ang kwento nila sa akin
Buhay ay lumalala
Ngunit nakangiti pa rin
Sa tuwing bumabaha
Sana'y di ka masanay
Sana'y di ka masanay
Sa ganyang klaseng buhay
Minsa'y isang tulad kong musikero
Kagaya ng karaniwang tao
Naghahangad ng isang simpleng buhay
Ngunit walang awa nilang pinatay
Ang kwento nila sa akin
Marami raw ang nanuod
Ngunit upang pigilin
Walang naglakasloob
Sana'y di ka masanay..
Minsan ako'y nasa isang pamantasan
Mga mag-aaral ang nagkukuwentuhan
Ang lalim ng paksang pinag-uusapan
Kung paano bang mabilis yumaman
Kayraming nangangailangan
Sa sarili mong bansa
Ngunit ang karamihan
Ang isipa'y banyaga
Sana'y di ka masanay..
Huwag na huwag kang masanay
Huwag tayong pasasanay
Huwag na huwag na huwag na huwag
Na huwag na huwag na huwag nawa
Huwag na huwag kang masanay
Huwag tayong pasasanay
Sa ganyang klaseng buhay