<3:08>

Puno

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK & SAVE TARGET

 

Sa taglamig may lanzones

Sa tag-araw may mangga

Sarisaring bunga

Iba't ibang punong kayganda

Kaysarap humiga

At magpahinga sa lilim

May abaniko ka na

May tagalinis pa ng hangin

 

Kung ako ay si Van Gogh

Isasalarawan ko'ng mithi na buhay

Ang aking ipipinta

Mga bata na iba't iba ang kulay

Na naglalaro sa isang mundo

Na punongpuno ng puno

Tenang magtayo ng isang mundo

Na punongpuno ng puno

 

Sa sigwa ng hangin

Mga puno'y laging sanggalang

Matitipunong punong

Haligi ng kagubatan

Sa bugso ng ulan

Di mababahalang bumaha

Matatag ang pampang

Di nabubuwal ang lupa

 

Kung ako ay si Van Gogh..