<2:41>

Pedrong Pako

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK & SAVE TARGET

 

Si Pedro'y nakaapak ng pako sa lansangan

Pinulot niya't bakasakaling pakinabangan

At ang kinakalawang na pakong nabubulok

Sa bago niyang bahay ay doon ipinukpok

 

Isang kalbong gulong nakita niya sa kalsada

Kanyang isinuong sa jeepney niyang pampasada

Duo'y may nakaiwan ng lumang antipara

Kanyang isinuot sa malinaw niyang mata

 

Bagong bahay, lumang pako

Dating gimik na inibang-anyo

Bagong bote, lumang toyo

Ang laging sawsawan ni Pedro

 

Gulong ay umiskyerda at ang jeep ay nabangga

Dahil sa antipara ang poste di nakita

Pasahero'y huli na sa biyahe't nabukulan

Di pa nakarating sa dapat na puntahan

 

Si Pedro'y may kilalang kawatang pulitiko

Sa bawat halalan ay laging kandidato

Nabulag na si Pedro, napako pa ang tuktok

Pulitikong bulok sa gobyerno iniluklok

 

Bagong bahay, lumang pako..

 

Nang dahil sa pako, bahay ni Pedro'y bumagsak

Sa bulkan, bagyo, baha't lahar tuluyang nawarak

Giba na ang dingding, sahig, haligi't bubungan

Mabuti pa kaya, magbagong-bahay na lang