<2:41>

Juan Tamad

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK & SAVE TARGET

 

Sumasahod si Ka Simon

Ng kulang pa sa minimum na itinakda

Kabilang sa milyunmilyon

Na karaniwang pulutong ng manggagawa

 

Upang ang buhay umunlad

Kailangan niya ng matingkad na disiplina

Ganyan ang sermon ng pari

At mga nagmamay-ari ng pabrika

 

Kailan pa, kailan pa malalasap ang ginhawa

Kung siya ang tatanungin, ano kaya'ng sasabihin?

Juan Tamad, yan ang turing sa akin

Juan Tamad, wika ng mga magigiting

Kumakayod sa magdamag, sa maghapo'y nakabilad

Ngunit ako'y naghihirap dahil ako'y isang tamad

 

Si Ka Memong magsasaka

Mula nang siya ay bata hanggang ngayon

Katulad ng kanyang ama

Nananatili siyang aba habangpanahon

 

Masdan mo ang kanyang mukha

Kamay, binti't mga dukha na talampakan

Kasinggaspang ng bukirin

Sa marahas na lupaing sinilangan

 

Kailan pa, kailan pa malalasap ang ginhawa..

 

Kailan pa, kailan pa malalasap ang ginhawa

Kung kayo'ng tatanungin, ano ang inyong sasabihin?

Juan Tamad