<4:37>

Habilin

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK & SAVE TARGET

 

Kung iyong mamarapatin

Dinggin ang pamana

Mga mumunting habilin

Ng isang kaibigan at ama

 

Habang maaga'y matutunan

Ang mamuhay ng payak

Habang marami kang kailangan

Ang bagahe'y bumibigat

 

Ang nag-iisang dila

Dapat ay may isang salita

Totoo ang pagpapalang

Galing sa totoong gawa

 

Kung tutuusin

Ay kaydalas na banggitin

Lumang mga salawikain

Kung tutuusin

Ay kaydaling intindihin

Bakit parang kayhirap gawin

 

Marami ang nahihirapan

Kakaunti ang marangya

Kaya huwag kang magpakayaman

Huwag ding magpapakadukha

 

At mag-ingat kang parati

Sa mga taong marahas

Maging sing-amo ng kalapati

Ngunit sing-ilap ng ahas

 

Laging marunong umunawa

Lahat at nagkakamali

Patawarin ang iyong kapwa

Pati na ang sarili

 

Kung tutuusin

Ay di sa akin nanggaling

Ang mga kasabihang ito

Kung tutuusin

Ito ay para sa akin din

Galing sa tatay ng tatay mo

 

Gaya rin ng panaginip

Pag-ibig ay nabibigo

Damahin mo sa iyong isip

At pag-isipan sa puso

 

Huwag mong masyadong seryosohin

At sisikip lang ang dibdib

Di bawal ang masayahin

Dito sa ibabaw ng daigdig

 

Kung susukatin mo ang buhay

Wala sa haba o ikli

Basta sikapin mong mabuhay

Sa lahat ng sandali