<3:14>
Ang Kailangang Gawin
Sung by Dong Abay
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK & SAVE TARGET
Ang kailangang purihin purihin
Tanghalin ang dapat tanghalin
Palagay ko ay tama sila
Kailangan ng pagkakaisa
Ngunit ang kailangang tugon
Ayon sa hamon ng panahon
Ang kailangang baguhin baguhin
Tanggalin ang dapat tanggalin
Itakwil ang gawing tiwali
Huwag pabubulag sa salapi
Pagmamalabis ay bantayan
At pagsasamantala'y hadlangan
Ang pang-aabuso,
Pang-iisa at ang dayaan naorganisa
At nagiging uso
Nang dahil sa kapabayaan namobilisa
Sa tuwing ang katotohana'y di alam
Sa tuwing tayo ay di nakikialam
Kung kaya nagag'wang
Gawin nilang pamahalaan sukat huthutan
At umaalagwang
Ganun na lang ang kasamaan sa sanlibutan
Ang kailangang baguhin baguhin baguhin
Kailangang gawin ang kailangang gawin
Ang kailangang linisin linisin
Alisin ang dapat alisin
Huwag hayaang hayaan na lang
Palitan ang dapat palitan
Ituwid ang gawing baluktot
Managot ang dapat managot
Bayan ko, bayan ko
Ibig mo bang talagang magbago
Bayan ko, bayan ko
O ibig mong lagi nang ganito
Ang pag-aabuso..
Ang kailangang baguhin baguhin baguhin
Kailangang litisin litisin litisin
Kailangang gawin ang kailangang gawin