|
<3:36> 06.Mahal Ko
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
BABAE Mahal ko, puso ko’y may pangamba Tulungan mong maibsan itong pag-aalala Sabihin mong paglisan ay pansamantala At muli sa piling ko ay babalik ka
LALAKE Mahal ko, puso’t pagmamahal ko Sa mga palad mo inihahabilin ko Ang huling hininga, ang diwa ma’t dugo Nang ika’y lumaya ay handang ibububo
Tataas ang musika, magkakaroon ng bridge. Tatambad ang mga sundalong hapon tangan ang mga riple. Papasok din ang mga taong bayan at papanoorin ang pagpatay sa plaza. Sa hudyat ng punong hapon ay aalingawngaw ang putukan. Babagsak ang bangkay ng lalaki sa lupa at tatangisan ng babae. Pagkatapos ay muling aawit.
BABAE Mahal ko, puso ko’y may pangamba Tulungan mong maibsan itong pag-aalala Paglisan mo’y itatanim sa alaala Ang sa akin at sa bayan mong pagsinta Ang sa akin at sa bayan mong pagsinta |