|
Ransom
Maghukay ka ng malalim sa likod ng bahay. Gawa ka ng malaking underground na
sementadong kwarto. Balutin mo ng soundproofing pero lagyan mo ng exhaust. Tapos,
mangidnap ka na. Kunan mo ng litrato ang mga biktima mo tapos itapon mo na doon.
Gawa ka ng website sa internet. Ransomhouse dotcom.
Gandahan mo ang mga visuals at menu. Victims, price index, days held, health
status, for execution. Gawa ka rin ng promo from time to time. Early release
rates! No downpayment, no-interest extended lay-away plan. Chat with your
favorite hostage! Ransomhouse now accepts VISA.
Kung medyo may pagkapolitical ka, dukutin mo yung mga kamag-anak ng mga pulitiko.
Tapos gawin mong mas profound ang iyong mga demands. Six wives of one
Congressman for the repeal of Capital Punishment. Pero baka babayaran ka pa at
ipapa-capital punishment na lang sa iyo ng Congressman ang mga asawa niya.
Kung mahilig ka naman sa sports, puntiryahin mo ang may-ari ng team ng kalaban
mismo. Kapalit ang panalo ng Barangay Ginebra. Kaya lang, sa sama ng laro ng
Ginebra, baka mahihirapan sila masyadong magpatalo. Sobra naman yang demand mo,
sasabihin.
Mukhang okay, so far. Pero ang pinaka-problema mo lang talaga ay ang duda ng mga
nagbabayad. Kaya dagdagan mo. Lagay mo, if you pay, we won't take your favorite
wife again. You can take our word for it.
At ito rin talaga ang hindi ko maintindihan sa negotiations with Abu Sayyaf.
Pagkatapos nilang kumita, ano ang assurance na hindi na nila ito uulitin?
Maraming pwedeng tanungin, pero ang pinakamahirap sa lahat ay kung ano ang
magpipigil sa Sayyaf na hindi na uli mandukot ng mga hostage?
Kung tama ang mga sikolohista, itong pagbabayad ng ransom ay isang "positive
reinforcement". O di kaya, kung tama ang mga bankers, ang profit motive ang
pinakamalakas na pwersa sa balat ng lupa.
Kaya kung tutuusin, lalo pa
ngayong gaganahan si Kumander Robot na i-expand ang kanyang business. At mas may
kakayahan pa sila ngayon, di hamak. Mas marami na silang pera, baril at loyal
employees.
Kaya nakakalito rin itong "pricing scheme" para sa mga hostage. Paano mo ba
matatakda kung magkano ang presyo ng isang hostage? Ano ba ang deperensya ng 1
million dollars sa 100,000 dollars per head? E, ang dali-dali namang mangidnap.
At kung ang kidnap-for-ransom ay nagiging parang isang acceptable at rewarding
na na enterprise, maaaring iisipin na nga siguro ng ilan na maging adventurous.
Kulang na lang ay i-modernize ng konti. Which brings us back to Java-based
internet hostaging. And one more suggestion.
Kung desperadong-desperado ka na talaga sa pera, kidnapin mo isang sophisticated
art critic. Si Pablo Tariman. Tapos ipatubos mo sa isang kaibigan niyang
concerned artist. Si Behn Cervantes. Bigyan mo ng ultimatum. Magbabayad siya o
manood ng Miss Saigon? Tiyak yun, pati yung hostage mo mag-vovolunteer na
magbayad.
-----<>-----
|