|
Mindanao
Context of a Conflict
Dear Gary, ang iyong pinapangarap at binansagang "Bagong Mindanao" ("Mindanao
and Minda Then" Pinoy Times June 7, 2000) ay magandang pakinggan ngunit walang
batayan. Ang "bago" ay nakasalalay sa masinop na pagsusuri ng kasaysayan at
pinagmulan ng tunggalian sa Mindanao. At ito ay hindi nagsimula ng 1960.
Mangyari lang sana, ilagay natin sa mas mahabang daloy ng mga pangyayari ang
problema ng Mindanao. Kagaya mo, ako ay pinanganak sa Mindanao, at saksi sa
pangkaraniwang karahasan ng buhay Mindanao. Hindi lamang dahas ng digmaan ngunit
pati karahasan ng gutom, kawalan ng hanapbuhay at hustisya.
Kaya sa susunod, kung tatalakayin mo uli ang Mindanao, sana hindi lang sa
personal na aspeto ngunit sa malawakang pulitika at kultura. Siyanga pala,
estudyante pa lang ako, nangongolekta na ako ng mga tapes nyo at gusto kong
magpasalamat sa ambag nito sa aking mga pananaw sa buhay. Mabuhay ka pati na ang
ating Barangay Ginebra! Padayon, Jun Ternate.
Salamat sa pakikiisa Jun. Nakikiisa rin ako sa iyo sa pangarap na mabuhay nga
uli ang ating barangay at maibangon ang bandera ng Republika ng Ginebra. Higit
sa lahat, salamat sa iyong matalas na obserbasyon at puna sa Kabarangay. Hayaan
mo, kahit mukhang mabigat, susubukan nating maikwento ng medyo mas malawak nang
konti ang usapin ng Mindanao.
Ang sabi ni Rizal sa unang talata ng kanyang huling tulang Ultimo Adios
(actually, wala siyang nilagay na pamagat nito):
Adios, Patria adorada, region del sol querida
Perla del mar de Oriente, nuestro perdido Eden!
Malaking question mark para sa mga malikhain, makabago at mapangahas na mga
anthropologists (kagaya ni Arnold Azurin, halimbawa) ang ibig niyang sabihin ng
"perdido Eden" (Lost Eden). Kung tutuusin, ang pre-Hispanic socio-political
setting ng ngayo'y tinatawag nating bansang Pilipinas ay mga watak-watak na
tribong madaling gapiin ng mga mas militarily and technologically advanced na
mga mananakop. Mahirap isiping ito ay Paradise!
At ganun na nga ang nangyari. Noong early 15th century, dumating ang mga Arabo
sa Mindanao. Matatandaan nating ang mga Spaniards ay dumating sa Pilipinas ng
16th century na (mga 1527 or so), or about a century late. Bitbit ang kanilang
Christian Cross at espada, madaling nagapi ng mga Espaņol ang mga "primitive
tribes of animists" na kadalasa'y Chieftainhood pa lang ang inabot na lawak at
antas ng social organization.
Ngunit nung pasukin nila ang Mindanao, malaon nang nakaugat at nakatatag ang
Sultanate at Islam sa Sulu at sa bandang kaliwa ng Mindanao. Tanging maliit na
bahagi ng bandang itaas ng Mindanao lamang ang napasok ng mga Kastila,
partikular ang Zamboanga. (Mapapansin nating sa Zamboanga ang salita ay
Chabacano, halo-halong local vernaculars, Bisaya at Kastila.) Ngunit maging ito
ay napapaligiran at pinananahanan ng mga komunidad na Muslim. On hindsight, ang
Zamboanga ang siyang parang naging prototype ng magiging thematic Mindanao sa
mga susunod na apat na siglo hanggang sa kasalukuyan.
Kalagitnaan ng 19th century, mga steam-powered gunboats galing ng London ang
sinabak ng mga Kastila laban sa mga vintas (war boats) ng mga Moro. Sagwan at
layag laban sa makina at kanyon. At sa ngalan ng superior technology nagapi ang
Sultanate ng Sulu at napasailalim sa Spanish monarchy.
Isang peace treaty ang ginanap, at ito ang
interesting dito. Dalawang languages, dalawang texts, dalawang framework. Sa
Spanish version, ang sentimiento ay "an act of incorporation", samantalang sa
Sulu version ay "statement of agreement and union in friendship" (O.D. Corpuz
Newsday June 8, 1990).
Ito ang isang clue sa ugat ng krisis sa Mindanao.
Bagaman nagapi militarily ang mga Moro, hindi mapasok-pasok ng mga Kastila ang
pulitika at ekonomiya, lalo pa ang kultura, ng mga Muslim. Ika nga, hanggang
papel lang. Pero ang alam sa Madrid, isang bagong province ng buong Mindanao,
kasama ang Sulu at Tawi-tawi, ang nadagdag sa colonies ng Imperial Spain.
At dahil di man lang makapangolokta ng buwis ang mga ito, hindi rin naman sila
nakapagpatayo ng mga paaralan o mga kalsada at mga social services. At lalong
hindi nakakapagpatupad ng mga batas at tradisyong Kristiano sa Kamorohan. (Maintindihan
natin dito kung gaano na lang kadiing iginigiit ng MILF ang pagpapalaganap ng
Shariah courts sa Muslim Mindanao.)
Ang temang ito ay mananatili sa susunod pang mga palitan ng political
configurations sa "Republika ng Pilipinas". Nang mabili ng mga Amerkano ang
Pilipinas sa isang kunwa-kunwaring gera mula sa mga Kastila, halos di man lang
naapektuhan ang Mindanao sa sumunod na ilang taon. Tumagal ng mahigit isang
dekada ang Moro Wars. At nariyang nagtatag ang mga Kano ng Department of
Mindanao and Sulu hanggang sa naging Bureau of Non-Christian Tribes, bitbit ang
biases ng mga puti sa relihiyon at kulturang Muslim o di-Kristiano.
Nang napasakamay naman ng mga Pilipino kuno ang gobyerno ng Pilipinas,
dagsa-dagsang Christian settlers ang napadpad sa Mindanao. Lalo ng nung panahon
ng Martial Law ni Marcos. Ang systematic na "privatization of Mindanao" ang
naging tema ng political-economy ng Mindanao. Libo-libong ektaryang logging at
mining concessions ang inani ng mga mayayamang may koneksyon sa Malacaņang. At
ang Mindanao ay pinatakbo ayon sa policies ng kung sinong may hawak ng national
government.
Hindi na natin dedetalyehin kung paano nagpatuloy ang Muslim dissent. Malinaw na
sa karamihan ang history ng MNLF ni Nur Misuari at MILF ni Hashim Salamat. Isama
mo na ang Abu Sayyaf ni Kumander Robot. Pero hindi mahirap makita na maging ang
mga ito ay sumunod din sa logic ng top-level power-brokering ng national
government. Mapa-Cory, mapa-Ramos, mapa-Erap.
Control at any cost. People
empowerment, minus the people. Ito wari ko ang puno't dulo ng hindi
matapus-tapos na digmaan sa lupaing aking tinubuan.
Samantala, tuloy ang buhay ng mga taga-Mindanao. Muslim, Cristiano, lumad, dayo.
Mga munting komunidad ng mga karaniwang taong ibig mamuhay ng mapayapa at
masagana sa diwa ng kapatiran. A people systematically violated in the name of
the people.
-----<>-----
|