|
Just Married
sabi ng kotseng pinuluputan ng mga bulaklak at mga
ribbon. Di mo tuloy malaman kung sasakyan ba ito o float o regalo mismo sa
kinasal. At habang lumalaon, sa tuwing nakakabasa ako ng JUST MARRIED, parang
naririnig ko ang mag-asawang nagsasabi ng ganun na nga. "We're not in love,
we're just married, okay?" Till death do us fight!
Kaya kung ako lang talaga, mas gusto ko ang HAPPILY MARRIED. Hindi mo nga lang
maiwasang mag-wonder kung sino sa dalawa yung feeling happy at sino yung feeling
married.
True to form, matagal na yung limang taon. Kasawaan, wala nang mapag-usapan,
nag-iba na ang "career paths". Euphemisms for lousy sex, actually. At syempre
para mabuo yung kwento ni Rosalinda, kailangan may third party. Sabi nga ng
pag-aaral, 50% admit na may third party involved. At yun namang natitirang
kalahati ay magaling lang magsinungaling!
Bukod sa singles at couples, siguro marami-rami rin ang sasali pag may magtayo
ng Triples for Christ. O di kaya mas generic na lang na Multiples for Christ.
May slogan na agad, "Go and multiply!"
Aywan ko ba kung bakit sa naglipanang kaso ng mga naudlot na mga pangako,
sugatang puso at pinagdamutang mga pangarap, ang dami pa ring atat na atat na
makapag-asawa. Hala, work-out dito, derma doon. Blind date, diet to death.
Chance texting, penpal, phonepal, singles' bar, card reading, WAP chat. Kung
anu-ano na ang ginagawa ng mga tao para lang ika "makahabol sa biyahe". A basta,
para sa pangit na tulad ko, I take the chances of getting married at face value.
Masarap nga namang namnamin ang tatanda kang may
kaagapay, kapanalig at makakaaway habang ikaw ay nabubuhay, ano. Yun bang 80
years old na kayo, nakaupo sa hampasangdagat ng Manila Bay, magkakapitpalad na
sinisilayan ang nagpapaumanhing araw. At tatanungin mo nang pabulong ang iyong
kabiyak, "Naiisip mo ba ang naiisip ko, Isabel?" "Oo, Gorio.. masama."
Sabagay, understandable naman na may mga
nagpapakasal. We are at least allowed to make one major mistake in our
life hehe. Pero, mag-asawa uli???!!!
Nakaka-tempt na usisahin itong nakakaaliw na usapin
ng pangangalap ng mapapangasawa pero saka na lang muna. Mas qualified si Soriano
at si Almeda sa mga bagay na yan.
Ang talagang interesado tayo tungkol sa "just
marriages" ay ang kabaligtaran nito. Ang unjust marriages. Medyo trying hard
yung pitik pero pwede na, di ba. At dito ko medyo tatawaran ang kilusan ng mga
kababaihan.
Naghintay na ako ng mga dalawang linggo at wala pa rin akong narinig na kahit
whimper mula sa kanila. Kaya hirit lang ng konti. Hindi ko lang matanggap na ang
Guyod (Bisaya for drag) ay isang understandably cultural practice. Na
basta na lang mandudukot ng mapapangasawa ang Abu Sayyaf dahil ito ay tanggap na
kaugalian ng may kaugalian.
Hindi ba universal ang usapin ng integridad ng mga
karapatan ng pagkatao kundiman pagkababae? Hindi man ako babae, hindi lang
talaga ako mapalagay. Please enlighten me.
-----<>-----
|