|
Good News
Baka raw ika may happy news naman minsan minsan. Puro na lang daw kasi bad news ang nababasa niya. At puro puna sa gobyerno. "Tantanan nyo naman muna si Gloria at bigyan ng pagkakataon na patunayan ang kanyang sinseridad at kakayahan bilang pangulo ng Pilipinas. Kilala nyo ba talaga siya ng personal at alam nyo ba talaga ang totoong pagkatao niya?" sabi ng email ni Nante Orensa sa atin.
Kaya, ako naman si nice guy, naghanap ng ano nga ba ang masasabing happy news sa mga panahong ito. Ang hirap rin pala! Ganyan siguro talaga pag loveless ka na naman, parang walang kagana-ganang mabuhay sa daigdig ng mga buhay.
May napansin din naman akong isang very good news. Pero bago yun, konting beso lang muna kay kasamang Nante. Salamat sa iyong puna, brad. At sa pagpapaalala na maging mapagmatyag pareho sa masama at magandang balita, o maging balanse ng kahit paano, agree ako sa iyo ng 100% sa puntong ito.
Bagaman may isa o dalawang bagay na marahil hindi tayo magkatugma ng paningin. Una, para sa akin, ang "good" sa "good news" ay hindi magkasinghulugan ng "good" sa "good boy". Ang news ay hindi kailangang maging mabait o masunurin o malinis ang kuko para magiging good. Ito ay kailangan lang maging makatotohanan at kung opinyon ay mapanuri. Magsingkahulugan siguro ito sa "good" ng "good movie".
But, then again, not in the sense of a "feel good movie". Hindi kailangang ang balita o kuro-kuro ay nakapagbibigay ng maginhawang pakiramdam para maging good news. Hindi kailangang mapapapungay ang mga mata ng nagbabasa o napapalundag ang luha sa senti para maging good ang isang balita. Okay rin naman ang mga ganun. Pero mas magandang balita kung ang dulot nito ay ang pagkaligalig at pagkabagabag o kahit na pagkalito o kahit pa pagka-discouraged minsan dahil sa mga masalimuot na mga realidad ng buhay-buhay.
In other words, anumang nakakatulong para sa makabuluhang pagbabago ay ang tunay na good news. At ang tunay na bad news ay ang pagkatuwa at pagkadama ng kapanatagan at kaginhawaan ng damdamin at luwag ng hininga sa gitna ng kahabaghabag at karindirinding kalagayan ng bayang ating pinamamayanan.
And speaking of sambayanan, ang ikalawa marahil na curious lang ako ay yung iyong binangit na pagkilala ng personal o tunay na pagkatao ng Presidente. Naalala ko tuloy yung madamdaming hamon ng isang lola sa isang debate sa TV nuong impeachment ni Erap. Parang ganito ang pagkasabi, "Bakit, sino sa inyo dito ang ninakawan ng pera ni Erap? Ako, kilala ko siya ng personal at mabait siyang tao! Hindi siya magnanakaw!"
Sabagay, sabi nga rin naman ni former U.P. President Angara, mabait na tao yang si Erap! At ito na nga yung nakakabagabag. Erap or Gloria, hindi dapat personal matter ang national life. Mabait din naman si Hitler sa kanyang mga kasama. Ni hindi lasenggo o naninigarilyo o nambabababae. At vegetarian pa!
Naku! Napahaba yata masyado ang komentaryo ko sa komentaryo mo, pards. Pasensya na bosing, next time na lang yung nakalap kong good news. But keep the good comments coming, thanks!
-----<>----- |