|
6,000,000,000 divided by 6,000,000,000 Nitong taon na ito, ang population ng daigdig ay umabot na sa 6 billion. Obviously may isang hilig ang sangkatauhan na mahirap pigilan. Biro n'yo, anim na billion! Paano nangyari yun? Sino ba ang mga gumawa nitong 6,000,000,000 na mga taong ito? Yung lolo mo, yung tatay at nanay mo, yung lola ng lolo mo at baka kasama ka na rin sa mga may kagagawan nitong six billion na mga tao.
Ang madaling sagot dito ng mga meron ay family planning. Ang iba, contraception. Ayaw ng simbahan, pero ginagawa ng mga maninimba. Minsan nga ginagawa rin ni Father. Okay lang yun, Father. At kung ako ang tatanungin, dapat nga magparami ang ang mga pari dahil mababait silang tao at kulang na kulang ang mga pari sa dinami-dami ng mga baryo at barangay. At kaya naman kakaunti ang mga pari dahil wala silang son. E, di nga ba like father like son?
Pero balik muna tayo sa six billion. Hindi ko man kayo makumbinsi na magpigil-pigil ng hilig ng konti o gumamit ng mga contraceptives, isipin naman natin kung ano ang kalagayan ng six billion na tao bago natin dagdagan.
Sa six billion, 1.1 billion ay walang access sa safe drinking water at 2.9 billion ang walang adequate sanitation. Ang naninirahan sa tinatawag na sub-standard housing ay 4.8 billion.
Halos kalahati ng teenagers ay naninigarilyo, at ang mas mapapabilis ang pagkamatay dahil sa paninigarilyo ay 500 million.
At ang pinakamasakit na datos sa lahat: Sa 6 billion na katao na yan, mahigit ng konti sa kalahati ay mga babae. Napakasaklap ng buhay dito sa mundong ibabaw. Mahigit tatlong bilyong kababaihan! Tapos kahit isa wala man lang magkagusto sa akin.
-----<>----- |