|
<2:38> Lalawigan
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
Narito sa lalawigan Ang una mong pag-ibig Ang iyong mga kaibigan Kababata’t kapatid Si Juan minsa’y nangarap At kung saan-saan pa nagpunta Ang asensong hinahanap Sa lalawigan lang pala
Dito lang matutupad Ang ating hinahangad Dito lamang uunlad At lalawig ang bukas Dito lang nagmumula Ang yaman ng ating bansa Dito tayo gagawa Sa kinagisnang lalawigan
Ang damdaming makatao Dito natin natutunan Mga ugaling Pilipino Gaya ng pagdadamayan Sa siyudad iba’ng sistema Sa sobrang kasikipan Pati na sa iyong problema Halos walang mahingahan
Dito mo ako mahalin Dito natin didiligin Palagihi’t palaguin Ang ating sumpaan Dito tayo mamumunga Gigiik at giginhawa Sasaya at sasagana Sa kinagisnang lalawigan
Dito tayo titira Sisikhay at sisigla Tatagal at tatanda Sa kinagisnang lalawigan |