|
<7:28> Mga Kanta ni Goryo
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
Pagbigyan nyo na ako Sa munting hilig kong ito Huntahan at mga kwentong barbero Pag pumanaw na ako Tanging hiling ko sa inyo Sa langit ay pabaunan nyo ako Ng isang ginebra-
Barumbarong namin ay gegewang-gewang Bagoong at daing lagi naming ulam Paglubog ng araw, punta sa tambayan Nang hirap ng buhay aming malimutan
May pantagay kami, yehey! Sipol ang pulutan, whew! Kahit anong isyu pinagtatalunan Pag wengweng na kami We-we-u na kami Ipon ng lakas para sa inuman bukas-
Bangkang papel nagmirakel Sa Payatas galing, Malakanyang ang narating Sino kaya ang pumapel Upang bangka sa palasyo’y makarating
Kahit bumabagyo, kahit bumabaha, di nabasa Kaya di nabura, sulat na galing sa tatlong bata Hindi nabahura kahit naglakbay ng milya-milya Naghimala, nabasa ni Ate Gloria
Tatlong bangkang papel tunay ngang himala Milagrong kailangan nitong ating bansa Kaya mula ngayon tayo ay maghanda Perang walang silbi, tiklupin, at gawing bangka-
Itext-itext mo na lang ako Kung may credit pa ang celfon mo Ngunit baka magbigla kayo Ang balance nyo ay biglang zero
Uto-uto din naman tayo Nagpapaloko pag may promo Smart o Globe, kung Sun mo gusto Nakasampung lipat na ako
Kahit ang text mo’y di dumating Bawat pindot mo sisingilin Tuloy-tuloy na kakaltasin Kahit na nga di mo pindutin
Ipindut mo, ipindut mo, ipindut mo, ipindut mo Ipindut mo, ipindut mo, ipindut mo, ipindut mo-
Ito raw pong si Ping ay may washing machine Salaping marumi kayang paputiin Santambak mang dolyar ang kanyang labahin Babango’t lilinis dito kay Mr. Clean
Ito raw pong Abu bigtime na bandido Di masilu-silo ng mga sundalo Paano mahuhuli kung ang hinuhuli At ang nanghuhuli pala’y magkakampi-
SONA ni Gloria bongga at madrama Ngunit may bakas pa ng mga dating SONA Parang kamukha ng SONA ni Cory At SONA ni Ramos at SONA ni Estrada
Ang ganda-ganda Ng SONA ni Gloria Ng SONA ni Cory at ni Ramos at Estrada Di naman kaya ang SONA ni Gloria Ay kanyang kinopya sa SONA ng tatay niya-
Paulit-ulit ang kwento Papalit-palit ng tao Pare-parehong gobyerno Mamamaya’y ginagantso
Manggagawa’t magbubukid Kinakapos, nagigipit Kinikita nila ay kay liit-liit Samantalang si gobernor Si congressman at senador Yumayaman by serving the poor
Kung alam mo lang Violy Kung alam mo lang Violy Kung alam mo lang Violy ang totoo
Kung alam mo lang Violy Kung alam mo lang Violy Matagal ka na nilang niloloko |