|
<4:28> Saranggola sa Ulan
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
Naririnig ko pa ang tawa’t hagikhik Ng una kong sinta at kalarong paslit At ang sabi ng matatanda Siya ay maalwan, ako’y dukha Di raw kami bagay at kayraming dahilan Ngunit si Bakekay ay walang pakialam
Sa aming kamusmusan Kayraming palaisipan Ngunit tatlong bagay ang aking natutunan Ang pag-asa’y walang hanggan Pag-ibig ay walang hadlang At lilipad ang saranggola sa ulan
At kung ang pagsinta ay di man nagtagal Ang mas mahalaga natutong magmahal Umibig ng walang panghihinayang Kahit malamang na masaktan Kanina lang sa aking tabi may aleng lumiko At sa pagmamadali nasagi ang aking puso
Eto na naman ako sa aking kabaliwan Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan Ngunit hindi hihindian Ng tulad kong natuto nang Magpalipad ng saranggola sa ulan
Gaya ng lagi’t laging sinasabi ko O siya nawa ay siya na nga ang totoo
Eto na naman..
Heto ako, tumatandang Nakahandang panindigang Ang bato sa tubig ay lulutang At lilipad ang saranggola sa ulan |