|
<3:25> Sa Puno ng Mangga
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
Sa ibaba ng gulod Sa itaas ng ilog May puno ng mangga Tayo’y naglalaro Ng sungka at piko Noong mga bata pa Hanggang sa tumanda Ako’y nagbinata At ika’y nagdalaga At doo’y pagsinta Sa isa’t isa Ay unang nadama
Saksi pa ang buwan Nang maging tagpuan Ang puno ng mangga Doo’y natutuhan Nating pagsaluhan Ang lungkot at ang saya At nangarap ako Na iregalo sa iyo Sa kasal nating dal’wa Isang dampa sa gulod Isang bangka sa ilog At isang punong mangga
Ngunit isang araw Ika’y lumisan Dagling nagunaw Ang ating sumpaan Ang balita ko Minsan ikaw ay nangibang-bayan Kapalaran mo Doon na rin natagpuan
Interlude
Kung masdan mo ngayon Wala nang dahon Ang puno ng mangga Nakaukit pa rin Ang pangalan natin Sa isang lumang sanga Saan ka man naroon Giliw sana ngayon Maalwan ang buhay mo Kung iyong kamustahin Ang dating bukirin Iba na ang anyo
Kung iyong kamustahin Mag-aanim na rin Ang aking mga apo |