|
<3:36> Ang Aking Kubo
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
Ang aking kubo sa tabindagat Dingding ay pawid, bubong ay nipa Sa paligid may mga halaman At bakod na gawang kawayan Gayak ng kubo ay kalikasan Ang kabukiran, ang buwan at bituin Pinapayungan ng punongkahoy At hinihipan ng sariwang hangin
Sa aking kubo’y may paralumang Sa aking puso’y nakalarawan At sa pagtulog ay mayrong rosas Na niyayakap ko’t hinahagkan Ang aking kubo’y dalampasigang Sa along tulad ko’y inaasam-asam Kubong kailanma’y di ko ipagpapalit Sa isang palasyong walang pag-ibig
Ganyan ang kubo, ganyan ang buhay Minsa’y tatawa ka, minsa’y malulumbay May pagdiriwang, may kalungkutan Laging nangungutya ang kapalaran May mga sandaling mistulang langit Ngunit paggising pala’y panaginip Kaya kailangang sa gabi’t araw Didiligin ang kubo ng pag-ibig
Sa aking kubo tuwing takipsilim Lumang gitara’y aking kapiling Mga awiting di malilimutan Mga harana at mga kundiman Ang aking kubong pangkaraniwan Di man kastilyo ngunit paraiso Kahit na mukhang bahay-bahayan Ang aking kubo’y isang tahanan
Ganyan ang kubo, ganyan ang buhay..
Sa aking kubo’y may paralumang Sa aking puso’y nakalarawan At sa pagtulog ay mayrong rosas Na niyayakap ko’t hinahagkan Ang aking kubong pangkaraniwan Di man kastilyo ngunit paraiso Kahit na mukhang bahay-bahayan Ang aking kubo’y isang tahanan
Kubong kailanma’y di ko ipagpapalit Sa isang palasyong walang pag-ibig |