<4:06>

Sambayanan

 

TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

Kaytagal na nating nangangarap
Ng isang bansa na mapayapa’t maunlad
Masigasig, masisikap
Kahusayan ay laganap
Ngunit paano at kailan matutupad?

 

Sambayanan ang maghahatid sa atin
Sa matatayog nating adhikain
Sambayanang ating ipupundar
Sa kusa at dasal, tiyaga’t pagmamahal

 

Sambayanan ang magbubuklod sa atin
Sambayanang malaya’t marangal
Panahon nang mailuwal,
Maitatag, maitanghal
Mabuhay ang Sambayanang Federal!

 

Pagtitika at pananagutan
Bahaginan, paghaya’t pagdadamayan
Kung saan ang karamihan
Ang siyang may kapangyarihang
Gampan ang kanikaniyang kakanyahan

 

Sambayanan..

 

Bayan ng mga Bayan, Lahi ng mga Lahi
Kami ay patnubayan sa iisang mithi
Iisang mithi

 

Sambayanan ang magbubuklod sa atin
Sambayanang malaya’t marangal
Panahon nang mailuwal,
Maitatag, maitanghal
Mabuhay ang Sambayanan
Sambayanang Federal!

 

ORCHESTRATION

Albert Tamayo

FLUTE

Ike Dy-Liaco

GUITARS

Mike Villegas

VOCALS

Noel Cabangon

Joey Ayala

Bayang Barrios

Cooky Chua