|
<5:13> 1.Piso
Gabi. Kalsada bilang komunidad. Ang buwan sa itaas ay napakalaking kaputiang bilog na walang ekspresyon. Animo'y malaking-malaking salaming piso.
Isa-isa, parang iniluluwa ng dilim, lalabas ang mga batang lansangan. Maglulundagan pababa ng jeep, ng trak ng bigas, ng bahay ng may bahay. Iisa ang ginagawa - sa iba't ibang paraan ay nagnanakaw para mabuhay.
Magsisimula ang beat, nanggagaling sa mga sulok ng kalsada, sa mga siwang ng pader, urgent, papataas, sumusulak ang dugo.
MGA BATANG LANSANGAN Dito sa lansangang aming entablado Ang sayaw ng buhay ay sayaw ng piso Sa kumpas ng tugtog matutong umindak Upang matagpuan ang perang mailap
Piso, piso, piso! Piso, piso, piso! Piso, piso, piso! Nakakagulat ang kapangyarihan mo Piso, piso, piso! Piso, piso, piso! Piso, piso, piso! Nakakagulat ang kapangyarihan mo
ARIEL Sabi'y masama raw, masama'ng magnakaw Mas masama namang dilat na mamatay Masama bang kami ay maghanapbuhay Panawidgutom lang aming tinatangay
Hanggang sa ang beat at indayog ng kalsada ay maging isang alon ng mga boses at orchestra.
Piso, piso, piso! Piso, piso, piso! Piso, piso, piso! Nakakagulat ang kapangyarihan mo Piso, piso, piso! Piso, piso, piso! Piso, piso, piso! Nakakagulat ang kapangyarihan mo
MGA BATANG LANSANGAN Kahit delikado, akyat dun akyat dito Kailangang may makain ang pamilya ko Karamihan sa amin mga batang ama Ang bahay kalsada, ang asawa'y droga
Halina kayo, halina kayo, halina kayo! Halina kayo, halina kayo, halina kayo! Paligsahan tayo!
Pupunta sa harap ang dalawang batang lansangan at magpapaligsahan sa pagsasayaw ng hiphop. Upang ipakita ang kanilang galing. Sa gitna ng ganitong klaseng buhay.
Ang paligsahan sa sayaw ay sa saliw ng pagra-rap ng gang leader. Ang rap, katulad ng breathless rhythm ng kanilang mga buhay, ay mga salitang magkakasunod, halos walang punctuation sa pagmamadali.
GANG LEADER Piso ang nagpapaikot kinakalikot Nagpapagulong nagpapasulong Pisong sa araw-araw Sumasadsad sa imburnal Nilalamon ng dolyar
Nirireject na ng pulubi Ang pisong walang silbi Tindera ng galunggong lagi na raw lugi Kulang ang piso mo pambili ng yosi Kahit isang stick lang kulang yan pare
Pasa-load pwede pa pero may cellphone ka ba Bilisan mo sa Avenida may nagtetext nakatanga Hablutin mo ngayon na Magkaka cellphone ka Ibenta mo kung gusto mo Magkakapera ka!
Parang tukso ng tadhana, ang napakalaking piso kanina ay magiging isang napakaliit na piso ngayong babagsak mula sa itaas. Parang itinapon ng kung sino sa kanilang mga pulubi.
Dadamputin ito ng gang leader at saka siya aalis. Habang isa-isang umaalis ang iba pa, ay papasok ang reyalidad, at ang ritmo ng awit ay magiging mas mabagal at malungkot na.
MGA BATANG LANSANGAN Piso, piso, piso Ba't naubos, ba't naglaho Daming mga tao ang nagpapatayan Daming Pilipinong nagpapakamatay Dahil sa piso, dahil sa piso Dahil sa piso, dahil sa piso
ARIEL Ang sayaw ng kalye, kailangang mabilis Ingat ka sa huli, iwas sa pulis Naglipanang mga buteteng buwaya Karampot mong pera magiging bato pa
Ang kukupadkupad at babagalbagal Sa buhay kapuspalad ay di tatagal Matatapakan ka, maiiwanan ka Matatapakan ka, maiiwanan ka Matatapakan ka, maiiwanan ka Maiiwanan kang nag-iisa
Lilinga si Ariel. Nag-iisa na siya. Tatakbo sana siya. Pero maririnig ang silbato ng pulis.
Masusukol siya ng dalawang pulis at huhulihin. |