|
<4:09> Salamat Musika
Paano mo patahimikin ang isang bunsong iyakin Huhunihan ni inay ng lalarin-larin Paano mo patatahanin ang pagtatampo ni Neneng Pasalamat ka’t may awit na kakantahin
Sa mga indayog tayo’y napapasayaw At sa labis na galak ay napapasigaw Ang mga kirot sa puso ay lumilipad Ang mga mithi ay natutupad
Salamat, salamat musika Lahat ng panahon maaasahan ka Salamat, salamat musika Itong munting mundo ay napapasigla
Ang mga bituin sa langit at mga katha ng isip Ay hindi sapat upang mabuhay ang daigdig Ang magagandang tanawin at mga tulang malalim Kukulangin din upang tayo ay aliwin
Aanhin ang kayamanang di madadala Aanhin ang kagandahang pansamantala Ang katahimikan ba ay may magagawa Upang ihayag ang nadarama
Salamat, salamat musika.. |