|
<5:36> Sa Pagitan ng Ngayon at Kailanman
Sabi nga.. Sana ang buhay laging tama o mali At ang katanunga’y simpleng oo o hindi Kung ganun dalangin kong ikaw ay mamalagi Sa pinakatangi mong pinakamimithi
Ngunit paano kung ang hinahanap mong ligaya Ay nagkataong nalaman mong naroon pala Sa magkabilang mundong magsinghalaga sa iyo Paano ba mananatiling totoo
Ang galak at dalamhati ay paano hahatiin At paano ka pipili kung wala kang pipiliin Ano ang gagawin ng pusong di mapagbigyan Ang magkatunggaling pangako at pakiramdam May isang paruparong paroroo’t paririyan Sa pagitan ng ngayon at kailanman
Paano ka magpapasya, paano mo mapagkasya Paano ba mapag-isa ang isa’t isa
Kung isang araw magtalo ang panata’t panaginip At ang iisa mong puso minsan ay magdal’wang-isip Sa kalagitnaan ng pag-asa’t pag-asam Sa dulo’t bungad ng pinagtagpo’t natagpuan Ibig kong alamin kung ang pag-ibig may puwang Sa pagitan ng ngayon at kailanman
Ano ang sukatan, alin nga ba ang mas mabigat Sa isang sugatan, ang tunay ba o ang nararapat
Kung isang araw maghalo..
Ano ang gagawin ng puso kong nahihibang Na nalilibang, na nagigibang naninimbang Sa pagitan ng ngayon at kailanman |