<3:32>

Ibig Sabihin

 

Di ba’t kung minsa’y di mo masabi-sabi ang ibig sabihin

Di naman kaya’y di mabigkas-bigkas ang ibig bigkasin

Sa dinami-dami ng mga nilalaman

Ng pagkayaman-yaman nating talatinigan

Himalang di maintindihan, di mo masabi ang ibig

 

Kahit ang dakila ay tila ay dila ay namimilipit

Ang ang salita’y di matumpak-tumpak at patumpik-tumpik

Tunay nga kayang tunay ang sinasabi ng

Ika nga’y nakatatanda kung matatandaan

Pag ibig sabihi’y di masabi-sabi sabi’y pag-ibig

 

At ang ibig lang sabihin

Ang marapat marapatin

Ang di mo pansin dapat pansinin

Ang di mo rinig dapat ay dinggin

 

Kadalasan ay dinadaan-daan na lang natin sa biro

Kahit naglulupasay at nagdurusa at nagdurugo

Di nga ba’t ang sabi ng lumang kasabihan

Diyata’t tulak ng bibig ay kabig ng dibdib

Pag ibig sabihi’y di masabi-sabi sabi’y pag-ibig