<4:12>

Pinaasa Mo ang Puso Ko

 

Pinaasa mo ang puso ko, binigyan mo ng pakpak

At ako馳 nangarap ng husto, nilipad hanggang ulap

Pinaikot mo地g aking mundo at bundok ay nilakbay

Sa akalang ating pagsuyo sa tuktok naghihintay

At ako ay halos mamatay-matay

 

Pinaasa mo ang puso ko

Pinaikot mo地g aking mundo

Ng wala naman palang mapapala

Pinaasa mo lang ang puso ko sa wala

 

Pinaasa mo ang puso ko, binigyan mo ng sagwan

At sa laot na mapanukso, sa ilalim ng iyong buwan

Pinaikot mo地g aking mundo hanggang ang aking bangka

Natigatig at nangabubo, tumaob, tumihaya

At nalunod na pati kaluluwa

 

Pinaasa mo ang puso ko

Pinaikot mo地g aking mundo

Ng wala naman palang mapapala

Pinaasa mo lang ang puso ko

 

Di ka na naawa, di ka na nahabag

Di na rin nagsawa, puso kong bulag

Di malaman kung matapang o duwag

 

Pinaasa mo地g aking dibdib, binigyan mo na sulo

At tinahak ko ang iyong yungib sa isipan kong hubo

Pinaikot mo地g aking daigdig at mundo ko馳 gumalaw

Upang sa masukal mong liblib, duon pala ililigaw

At wala naman palang ako稚 ikaw

 

Pinaasa mo ang puso ko..