|
<3:19> Pampalipas ng Sama ng Loob
Minsa’y di mo maiwasan Ang paminsan-minsang lumuha Minsa’y di mo matakasan Ang hapding nadarama
Ako ang bayani ng mga bigo Di nagtatampo Di naglalaro Di naninibugho
Ako’y walang puso at damdamin Di kailangang malaman mo pa Nakahanda na maglingkod Kahit tingin mo pa sa akin Pansamantala Pampalipas ng sama ng loob
Ako’y kathang isip lamang Na di mo dapat seryosohin Palamuti na halamang Di kailangang diligin
Hanggang makatagpo ka ng iba Huwag mag-alala Kung liligaya ka Ako ay masaya
Ako’y walang puso at damdamin..
Pwede mong iwan Pwede mo ring balikan
Ako’y walang puso at damdamin..
Pwede mong iwan Pwede mo ring balikan |