<3:43>

Kung Ika'y Wala

 

Kung ika’y wala

Ang palibot ko’y parang may tabing

Kung ika’y wala

Ang mga mata ay may piring

Kapaligira’y nasisira ang tunay na kulay

At lumalala kung ika’y wala

 

Kulay abo ang langit kung ika’y wala

Kulay dugo ang lupa kung ika’y wala

Kulay luntian ang araw

Ang dagat ay kulay dilaw

Ang sampagita ay bughaw kung ika’y wala

 

Kung ika’y wala

Buhay ko’y walang patutunguhan

Kung ika’y wala

O sinisintang Kalayaan

Kapaligira’y parang asiwa at di na bagay

At lumulubha kung ika’y wala

 

Ad lib

 

Kulay abo ang langit..

 

At ang uwak kulay papel

At ang tagak kulay klabel

Kulay kalawang ang kahel

Kung ika’y wala

 

At ang gabi kulay kula

At ang buwa’y kulay pasa

Ang rosas ay kulay tingga

Kung ika’y wala