|
<7:01>
20.Rizal
Ultimo Adios
Rizal Reprise
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT
CLICK HERE & SAVE TARGET
Ultimo Adios
RIZAL
Ang lahat ng ito, ano ba ang saysay
Ano ang kapalit, dusa, sakit, lumbay
Iniwan kong lahat, ang lahat ng mahal
Sinikil ang pusong inalay sa bayan
Ang lahat ng ito, ano ba ang silbi
Ang tinipon ko ba’y pawang pagsisisi
Sa lahat ng ito, ano’ng mapapala
Bayan kong iiwan, magliwanag kaya
Adios Patria adorada, region del sol querida
Perla del mar de oriente, nuestro perdido Eden
A darte voy alegre la triste mustia vida
Si fuera mas brillante, mas fresca, mas florida
Tambien por ti la diera, la diera por tu bien
KORO
Paalam Bayang hirang, lupang hitik sa araw
Perlas ng Silanganan, aming naglahong Eden
Lugod kong iaalay lanta’t hapis na buhay
Naging mas marilag man, sariwa’t mas mabunga’y
Handog man din sa iyo, sa iyong ikagagaling
Ensueńo de mi vida, mi ardiente, vivo anhelo
Salud! te grita el alma, que pronto va a partir
Salud! oh que es hermoso, caer por darte vuelo
Morir por darte vida, morir bajo tu cielo
Y en tu encantada tierra la eternidad dormir
Mithi ng aking buhay, adhikang nagniningas
Mabuhay! hiyaw ng diwang handa nang maglakbay
O kay timyas pumanaw, tamis ang kamatayan
Upang ika’y mabuhay, maitanghal ka lamang
Sa iyong sinapupunan malaong hihimlay
Adios, kapatid, magulang, kabiyak ng aking diwa
Kababatang kaibigan sa tahanang natangay
Sa nakakahapong araw, salamat at hihimlay na
Adios, dayong magiliw, aking sinta’t ligaya
Mga mahal paalam, kapahingahang mamatay
Adios, padres y hermanos, trozos del alma mia
Amigos de la infancia en el perdido hogar
Dad gracias que descanso del fatigoso dia
Adios, dulce extranjera, mi amiga, mi alegria
Adios, queridos seres, morir es descansar
Reprise
Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba
O kayyaman-yaman ng iyong mundo
Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba
Napakadakilang pamana mo
Jose Rizal, Dr. Jose Rizal
(Jose Rizal, Dr. Jose Rizal)
Ikaw nga ay bayani ng bayan
(Kabayanihang dapat tularan)
Nagpunyagi, nakibaka’t namatay
(Naging sawi upang kami’y magtagumpay)
Upang ang kalayaan mabuhay
(At ang aming bansa’y magkamalay)
Ngunit sino ka, sino ka ba
Sino ka nga bang talaga, sino ka ba
Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba
Buhay na bumuhay sa bayan ko
Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba
Sino ka ngayon sa bansang ito
Hayy natapos din, ehehe
|