|
<3:50>
11.Rizal
Sa Ulan, Sa Lamig, Sa
Lungkot
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT
CLICK HERE & SAVE TARGET
DEL PILAR
Eto ang sabaw na mainit
Gising na Gracing, gising na Gracing
JAENA
Kaysama-samang panaginip
Umiinom ako’y di malasing-lasing
RIZAL
Puro ka biro Gracing
DEL PILAR
May balita ba sa Maynila?
RIZAL
Walang pagbabago
Kayo, may balita ba kayo?
JAENA
Natatanggap ko ay puro sulat
Puro salita, puro satsat
Kumusta, kumusta, kumusta
Sa liham kaydalas n’yong tinatanong
Kalagayan nami’y ano na
Nais nyo bang malaman ang tugon
Kaydalas nagdarahop
Sa gutom ay nanlalambot
Ang pighati sa puso ay nanunuot
TRIO
Sa ulan, sa lamig, sa lungkot
Nakayuko’t nangangatog ang tuhod
Sa ulan, sa lamig, sa lungkot
Naghahanap ng ginhawang masasambot
DEL PILAR
Kumusta, kumusta, kumusta
Sa liham kaydalas ninyong binabanggit
Katayuan nami’y ano na
Nais n’yo bang malaman ang pait
O kay laking kahihiyan
Kaibiga’y di malapitan
Sa lamig, sa lungkot, sa ulan
TRIO
Sa ulan, sa lamig, sa lungkot
Mga bulsang walang madukut-dukot
Sa ulan, sa lamig, sa lungkot
Naglalakad, namumulot kahit upos
RIZAL
Kumusta, kumusta, kumusta
Sa liham kaydalas n’yong sinusulat
Buhay buhay nami’y ano na
Nais n’yo bang malamang kaysalat
Ang makabagong daigdig
Nagmimistulang liblib
Sa lungkot, sa ulan, sa lamig
TRIO
Sa ulan, sa lamig, sa lungkot
Nakayuko’t nangangatog ang tuhod
Sa ulan, sa lamig, sa lungkot
Naghahanap ng ginhawang masasambot
Sa ulan, sa lamig, sa lungkot
Mga bulsang walang madukut-dukot
Sa ulan, sa lamig, sa lungkot
Naglalakad, namumulot kahit upos
Kumusta, kumusta, kumusta
Hindi sa ayaw naming kayo’y lumiham
Kumusta, kumusta, kumusta
Kundi sa ayaw naming ipaalam..
|