|
<3:46> TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
4.Manggagawa
Kung ang ulo niya'y masagi sa balikat mo kaibigan Ikaw na sana ang marunong umunawa Ibig lamang maidlip ang lamog na katawan Ng isang pangkaraniwang manggagawa Sa maraming pabrika ang pahinanteng tulad niya Ay palipatlipat na namamasukan Sa lamig ng magdamag, pagod niya'y sinasagad Sa munting paghahangad na mabuhay
Kulang ang maghapon upang makaipon At makakaahon ang isang dukha Kulang din ang pawis kahit labislabis Kung ang nagnanais ay maralita
Natutunan niyang hamakin ang sakit at sakuna Tatlumpu'tpitong taon na siyang nasanay Sa matang namumutla ay inyong mapupuna Siya'y mamamatay sa kakahanapbuhay Sa mga nagpapaluwal ang sahod niyang butalbutal Nasanla nang matagal sa kagipitan At kahit siya magpapagal, pilit mang isusugal Ang hapo at nangangatal niya nang laman
Kulang ang maghapon..
Samantalang may isang panginoong maykapital Ang nagdiwang at nagdaos ng hapunan At kabilang sa hapag ng panauhing pandangal Ang tanyag at ang banal sa ating lipunan Halos ang bawat isa'y makapangyariha't matagumpay Dahilan sa isang taglay na katangian Ang matibay na loob na magsawang mabusog Habang may nangangatog sa hapdi ng tiyan
Kulang ang maghapon.. |