<3:58>

                      TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET

 

1.Paligid

 

Walang madadapuan ang mandaragit

Walang mapupugaran ang ibong pipit

Walang maiaalay na daho't sanga

Ang gubat na namamatay na

 

Walang masisilungan ang hito't dalag

Walang matataguan ang hipon at kasag

Sila ay lilipulin sa madali't malaon

Walang patatawarin sa sabog at lason

 

Wala nang gagamasin ang manggagamas

Wala ring gagapasin ang manggagapas

Ang dagat na ating ikinabubuhay

Ay dagat na ikinamamatay

 

Susunod na ang mais at palay

At mga hayop na walang kamalaymalay

Ang mga bulaklak, tutubi't palaka

At ang kalaro nilang ating mga bata

 

Walang manghihinayang sa aking awitin

Walang makikinabang sa iyong mithiin

Dahil walang nagmamasid at nababahala

Habang ang paligid ay napipinsala