<3:25>

Sa Puno ng Mangga

 

TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK & SAVE TARGET

 

Sa ibaba ng gulod

Sa itaas ng ilog

May puno ng mangga

Tayo’y naglalaro

Ng sungka at piko

Noong mga bata pa

Hanggang sa tumanda

Ako’y nagbinata

At ika’y nagdalaga

At doo’y pagsinta

Sa isa’t isa

Ay unang nadama

 

Saksi pa ang buwan

Nang maging tagpuan

Ang puno ng mangga

Doo’y natutuhan

Nating pagsaluhan

Ang lungkot at ang saya

At nangarap ako

Na iregalo sa iyo

Sa kasal nating dal’wa

Isang dampa sa gulod

Isang bangka sa ilog

At isang punong mangga

 

Ngunit isang araw

Ika’y lumisan

Dagling nagunaw

Ang ating sumpaan

Ang balita ko

Minsan ikaw ay nangibang-bayan

Kapalaran mo

Doon na rin natagpuan

 

Interlude

 

Kung masdan mo ngayon

Wala nang dahon

Ang puno ng mangga

Nakaukit pa rin

Ang pangalan natin

Sa isang lumang sanga

Saan ka man naroon

Giliw sana ngayon

Maalwan ang buhay mo

Kung iyong kamustahin

Ang dating bukirin

Iba na ang anyo

 

Kung iyong kamustahin

Mag-aanim na rin

Ang aking mga apo