<6:47>

25.Parating na Ako~Lean Reprise

 

TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK & SAVE TARGET

 

Mag-isa si Lean sa entablado. Sa video screen makikita ang katatapos na presscon. Susundan ng camera si Lean palabas sa gusali hanggang kotse. Susundan ng camera ang mga lansangang dinaanan ng kotse hanggang sa lugar na binaril si Lean. Sa paumpisa ng kanta maririnig ang usapan nila ni Lidy sa umaga ng araw na yon..

 

LIDY

Aga-agahan mo ng uwi at manood naman tayo ng sine mamaya..
LEAN

Ano ba’ng palabas?..

 

LEAN

Dapithapon pa lang, mataas pa ang araw
Sa lansangang larangan ng aking mithi
Isa pang Sabado sa karera kong buhay
Na lulong at gumon sa pagmamadali

 

Parating na ako, parating na ako
Di ako magtatagal
Hintayin mo ako, hintayin mo ako
Hintayin mo ako, mahal

 

Interlude

 

Dapithapon pa lang, mataas pa ang araw
Dapat paghandaan ang mahabang gabi
Mahal na kasama’t bunso na panganay
Kailan ko kaya muling makatabi

 

Parating na ako, parating na ako
Di ako magtatagal
Hintayin mo ako, hintayin mo ako
Hintayin mo ako, mahal

 

Interlude

 

Parating na ako, parating na ako
Parating na ako, mahal..

 

Maririnig ang mga putok. Babagsak si Lean.

 

BOBBY

At sa dambana ng Inang Bansa
Alay na buhay di malalanta
Pakikibaka’y di mamamatay
CAST

Sa landas ng tagumpay

 

Lean, Lean, Lean
Sa piling ng mamamayan
Ika’y laging naririyan
Lean, Lean, Lean

 

Interlude

 

Ipakikilala ang mga nagsiganap.

 

LEAN

Sa pananalig sa sambayanan
Bawat balakid ay iigpawan
Tanikala ay kakalagin
CAST

At kasaysayan ay lilikhain

 

Lean, Lean, Lean

Hangga’t hadlang ay naririyan
Hanggang mapagtagumpayan

Lean, Lean, Lean
 

Lean, Lean, Lean

Hangga’t hadlang ay naririyan
Hanggang mapagtagumpayan

Lean, Lean, Lean

 

Lean.. Lean.. Lean..