<3:06>

24.Tuloy ang Laban

 

TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK & SAVE TARGET

 

MR. TIM (as General)

Wala pa ring kaseguruhan
Kaya kailangang-kailangang
Mapasaatin ang pamahalaan
Sa ngalan ng katahimikan
Sa ngalan ng kapayapaan
Gawin ninyo kahit anong paraan

 

SOLDIERS

Tuloy ang laban, tuloy ang laban
Hangga’t mga komunista’y naririyan
Tuloy ang laban, tuloy ang laban
Tuloy ang laban hanggang magkaubusan

 

NOLI

Krudo’t langis nagtataasan
Ang galunggong nagmamahalan
Pangakong Cory ay kabaligtaran
‘Patalsikin ang mga base’?

‘Mga lupa’y ipamahagi’?
Mandaraya! Sinungaling! Manlilinlang!

 

ACTIVISTS

Tuloy ang laban, tuloy ang laban
Hangga’t gobyerno’y para lang sa iilan
Tuloy ang laban, tuloy ang laban
Tuloy ang laban para sa sambayanan

 

Interlude

 

CORY

Ubos na ang aking pasensya
Mga rebeldeng komunista
Huwag na huwag ninyo akong pahiyain
Humanda kayo sa akin

Kaya ko kayong ubusin
Total War! Total War! paigtingin

 

JOJO

Tuloy ang laban, tuloy ang laban
Hangga’t mga komunista’y naririyan

& SOLDIERS
Tuloy ang laban, tuloy ang laban
Tuloy ang laban hanggang magkaubusan

 

LEAN

Hayag na ang tunay na kulay
Sa militar nakasalalay
Pamamahala ng estadong dilaw
Di hamak na isang aglahi
Kung sa akin ay mayrong mangyari
Ngayon pang may demokrasya na raw

 

Sasama si Edward at mga dating kasama.

 

EDWARD

Tuloy ang laban, tuloy ang laban
Hangga’t gobyerno’y para lang sa iilan
ACTIVISTS

Sa Welgang Bayan, Sa Welgang Bayan
Tuloy ang laban para sa sambayanan

 

MILITAR

Tuloy ang laban hanggang magkaubusan
ACTIVISTS

Tuloy ang laban para sa sambayanan
ALL

Tuloy ang laban, tuloy ang laban!