<3:49>
21.Kadre de Pamilya
TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK & SAVE TARGET
Sa bahay. Si Lean at Lidy inaalagaan si Rusan habang nag-aasikaso ng mga trabahong bahay at mga trabahong inuuwi sa bahay.
LIDY/LEAN
Maraming beses ko na ring iniisip kung paano
Paano ba balansehin ang pamilya’t aktibismo
Ang naghahabol ay laging hinahabol ng trabaho
Pati kama at kusina’y nagiging opisina ko
Katabi ng makinilya ang lampin at ang tuwalya
Magtiis sa lamparilya at pundido ang bumbilya
Kadre de pamilya, kadre de pamilya
Maraming beses ko na ring iniisip kung paano
Paano ba pagkasyahin ang karampot na pera ko
Huwag n’yong mamasamain, di ako nagrereklamo
Dahil kung tutuusin, masaya rin naman ako
Dumadami ang botelya, babyron, beer, mansanilya
Ang listahan sa kartilya ng utang ko ay milya-milya
Kadre de pamilya, kadre de pamilya
Interlude
LIDY
Maraming beses ko na ring iniisip kung paano
Paano palalakihin nang wasto ang batang ito
Ayaw kong sa tahanan ay mapako nang husto
Ngunit mas ayoko namang iwan sa iba ang baby ko
LEAN
Ako ay mangangampanya, mahal ko maiwan ka muna
LIDY
Hoy Mr. Alejandro, campaign manager mo ako
LEAN
Kung gusto mo palit tayo, ikaw ang kumandidato
Kadre de pamilya, kadre de pamilya
LIDY
Hmmp! Kadre de pamilya #?%&!
Maiiwan si Lidy at si Rusan.