<4:11>
20.Buhay na Inalay sa Bayan
TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK & SAVE TARGET
Memorial service para sa mga martir ng kilusan. Seryoso na si Chino.
CROWD
A a-a-a a-a-a a-a-a..
CHINO
Sa alaala ng Kasamang Bobby
At mga bayani ng Mendiola
LEAN
Tayo ay naririto
Bilang kabilang ng kabuuan
Tubig, apoy at abo
Isip, sikmura, buto at laman
Pinagtitibay ng maraming bagay
Ngunit ang buhay ng ating kilusan
Ay mga buhay, ay mga buhay
Buhay na inilaan, buhay na huwaran
Buhay na inalay sa bayan
CROWD
A a-a-a a-a-a a-a-a..
Mababanggit ng mga pangalan ng mga yumaong bayani ng kilusan.
Sa alaala ng mga martir ng Lupao..
Sa alaala ni Ka Pepe Diokno..
Sa alaala ng mga martir ng Escalante..
Sa alaala ni Ka Lando Olalia..
Kasamang Lorena Barros..
Father Rudy Romano..
Bobby dela Paz..
Alex Orcullo..
Eman Lacaba..
Kasamang Edjop..
Juvelyn Jaravillo..
Father Tulio Favali..
Kasamang Johnny Escandor..
KA TANNY
Tayo ay naririto
Magkakaibigan, magkakapatid
Magulang, anak at apo
Magkasintahan, magkaisang-dibdib
Pinagtitibay ng maraming bagay
Ngunit ang buhay ng ating kilusan
Ay mga buhay, ay mga buhay
Buhay na inilaan, buhay na huwaran
Buhay na inalay sa bayan
CROWD
A a-a-a a-a-a a-a-a..
LIDY
Tayo ay naririto
Nakikiramay, nakikibunyi
Upang maging totoo
Maisabuhay ang minimithi
NOLI
Pinagtitibay ng maraming bagay
Ngunit ang buhay ng ating kilusan
LEAN
Ay mga buhay
KA TANNY
Ay mga buhay
LEAN
Buhay na inilaan
KA TANNY
Buhay na huwaran
LEAN
Buhay na inalay sa bayan
ALL
Buhay na inilaan, buhay na huwaran
Buhay na inalay sa bayan