<3:53>

19.Sa Mendiola

 

TO DOWNLOAD MINUS-ONE, RIGHT CLICK & SAVE TARGET

 

LEAN

Tuloy ang laban, tuloy ang laban
Hangga’t gobyerno’y para lang sa iilan
Tuloy ang laban, tuloy ang laban
Tuloy ang laban para sa sambayanan

 

January ‘87 mobilization.

 

NOLI

Nasaan ang makataong gobyerno
Nasaan ang makabayang bibig
Nasaan ang maka Diyos na pangulo
Nasaan ang lupa ng magbubukid

 

EDWARD (as government official)

Sa aking tanggapan dun tayo mag-usap
Kailangan natin ng konting lamig
NOLI

Ni di ka nga namin mahanaphanap
Paano nyo pa kami maririnig

 

MARCHERS

Sa Mendiola, sa Mendiola

Sisingilin natin sila
Sa Mendiola, sa Mendiola

Sisingilin natin sila

 

EDWARD

Gusto ko rin ng repormang agraryo
Lupang sakahan sa nagbubungkal
NOLI

Ahh! Puro papeles, dada at pangako
Kami patuloy ninyong hinahangal

 

Tutungo sa Mendiola ang mga tao.

 

MARCHERS

Sa Mendiola, sa Mendiola

Sisingilin natin sila
Sa Mendiola, sa Mendiola

Sisingilin natin sila

 

Darating sa bungad ng Mendiola bridge ang mga tao. Makipaggitgitan sa mga sundalong marines.

 

MR. TIM (as General)

Komprontasyon ay hindi na kailangan
Ang panahon at gobyerno’y iba na
BOBBY

General, kung tunay ngang bago na ang lipunan
Bakit kayo’y ganun pa rin ang asta

 

MARCHERS

Sa Mendiola, sa Mendiola

Sisingilin natin sila
Sa Mendiola, sa Mendiola

Sisingilin natin sila

 

Uulan ng bala. Magkakagulo. May mga babagsak, duguan. Sasagipin ng mga kasama. Habang nangyayari ito, maririnig ang ‘People Power’.

 

KORO

People power, people power, pipol power ang gamot
People power, people power, pipol power ang sagot
Cory! Cory! Cory! Cory! Cory! Cory ang gamot
Cory! Cory! Cory! Cory! Cory! Cory ang sagot

 

Sabay si Chino at Bobby tatakbo. Tatamaan si Bobby. Babagsak..

 

CHINO

Ka Bobby!

 

LEAN

Sa Mendiola, sa Mendiola
Inilibing ang pangako nila